Kinakalawang na kinang ng ginintuang pamantasan

Mga salita ni Vee Mendoza UP, ano bang meron ka? Sa kasalukuyan, prestihiyoso ang pagtingin sa pagtungtong sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) bunga ng samu’t-saring pagkilala at mga parangal dito, na ‘di maikakaila na siyang patuloy na umaakit sa malaking bahagdan ng kabataan upang dito igugol ang kanilang panahon sa kolehiyo. Patunay dito ang napakalaking bilang ng mga estudyanteng aplikante sa tuwing sasapit ang UP … Continue reading Kinakalawang na kinang ng ginintuang pamantasan

Kung ang bayan ma’y tatangan ng armas

Mga salita nina Jillian Reez Palis, Weather Alfonso, at Vincent Yniego Ito ay desisyong nakabatay sa katwiran. Karapatan ng bawat Pilipino ang kapayapaan—paulit-ulit man nating marinig ang mga katagang ito, tila napakababaw ng pagpapaintindi nito sa atin.  Mula sa malalaking institusyon hanggang sa pinakapayak na sistemang ating ginagalawan sa lipunan, tila likas nang nakatanim sa ating mga isipan na tungkulin nating itaguyod ang kapayapaan. Subalit … Continue reading Kung ang bayan ma’y tatangan ng armas

Ang pagbungkal ng mapagpalayang pakikibaka

Mga salita nina Polo Quintana at Federick Biendima Deka-dekadang paghihirap ang patuloy pa ring sinusuong ng sektor ng agrikultura sa kasalukuyan bunga ng pyudal na sistema ng pamamahala. Kinakaharap pa rin ng mga magsasaka ang malawakang problema sa kanilang lupang sakahan, kasama ang mga patong patong na isyu ng panggigipit, paglabag sa karapatang pantao, at mga kapabayaan ng estado ukol sa tunay na repormang agraryo. … Continue reading Ang pagbungkal ng mapagpalayang pakikibaka

Walang silbi ang araw sa pagpawi ng kadiliman

Mga salita ni Sam Robles Mapa-kuwento, katha-katha, pamahiin, o paalala’y tila nasasangkot ang gabi sa mga kababalaghang nangyayari sa paligid, na para bang siya’y salarin o kasabwat sa mga ito. Dalamhati ang dinaramdam ng buwan ‘pagkat nais lamang nito pagpahingahin ang araw– bakit ang bintang’y tila nakaakibat sa natural na pagdaloy ng panahon?  Nais ng araw at gabi na magmulat ng mga mata sa katotohanang … Continue reading Walang silbi ang araw sa pagpawi ng kadiliman

Chrissy’s ng lipunan, laban ng sambayanan: Isko’t Iska 2023

Mga salita nina Waya Silarde at Kim Siason Malaki ang gampanin ng sining sa paghahayag hindi lamang ng silakbo ng manlilikha ngunit pati na ng kanyang materyal na realidad. Kaakibat nito ay ang pagsasalamin sa mga isyung kanyang kinahaharap na siya ring danas ng buong sambayanan. Kaya naman mainam ito na sandata sa paghamon at pagtuligsa sa mga opresibong pwersa ng lipunan na gumigipit sa … Continue reading Chrissy’s ng lipunan, laban ng sambayanan: Isko’t Iska 2023

Sa pag-ani ng dahas, nakapunla ang pagbalikwas

Mga Salita nina Yasmin Vera Criste at Chryzel Alano Balat na buong araw bilad, mga matang mulat na bago pa man sumikat ang araw, mga balikat na kabisado na ang bigat ng bawat dala-dala, mga paang ni hindi makaahon mula sa lusak ng lupaing hindi nila matawag na kanila. Silang ubos-lakas na nagpapagal para may maihain sa hapag ng bayan, silang ang tanging nakukuhang kabayaran … Continue reading Sa pag-ani ng dahas, nakapunla ang pagbalikwas

BAKLAsin ang Kinagawian:  The ever-evolving artistry of Filipino drag performance and queer art 

Words by Zach Del Mundo Shattering stereotypes and defying norms, drag performance and queer art have become powerful cultural forces in the Philippines. Originating from local barangay pageants, these art forms have gained momentum, pushing the boundaries of creativity and acceptance. In a predominantly Catholic society, drag performance and queer art have often been met with resistance. However, these art forms have also served as … Continue reading BAKLAsin ang Kinagawian:  The ever-evolving artistry of Filipino drag performance and queer art 

Fear torments the tormentor: Isko’t Iska 2022 Review

Isko’t Iska 2022 proves to be beyond a mere commentary of the pressing concerns of our time for it inspires a call to act. The production team is highly encouraged to inculcate in incoming students the idea that they are an integral part of a cause that extends beyond the grassroots level for it shall reach nations beyond their own to foster consciousness manifested in the play. To realize the stated objective, a call to a critical, in-depth, and historical backdrop must be made, notably with the forthcoming Isko’t Iska 2023. Continue reading Fear torments the tormentor: Isko’t Iska 2022 Review