Kalabukab: Tinig ng EDSA Revolution

ni PIRIRIT

Ramdam na ramdam ko ang paso ng init ng araw sa aking balat. Ramdam na ramdam ko ang pagdikit ng natutunaw na aspalto sa aking sapatos na siyang nagpapabigat ng aking bawat hakbang. Ramdam na ramdam ko ang bawat butil ng pawis na dumadaloy sa aking buong katawan, oo di na lang siya basta pumapatak kundi dumadaloy, dumadaloy ng dahan dahan. Ramdam na ramdam ko ang bawat sigaw ng mga mamayan. Ramdam na ramdam ko ang mapupusyaw na titig ni Mang Pogi…

Ilang kilometro na ba nalakad ko? 10, 100? Sandali, bakit nga ba ako nandito?

Magcocover tayo ng EDSA Revolution”

Magcocover daw, pero imbis na DSLR camera at Iphone para recorder ang hawak ko.  Hawak ng kanang kamay ko ang dulo ng isang mahabang telang may nakapinturang “OUST Aquino!” at ang kaliwa naman ay nakakapit-bisig sa isang babaeng sigaw ng sigaw “Iskolar ng Bayan ngayon ay Lumalaban!”

Para san pa ba? Simula pa nang unang kilometro ng aming paglalakad, paulit-ulit kong tinatanong ang aking sarili. Para san pa ba? Isang taon na lamang ang termino ni Aquino. Para san pa ba’t gusto nating siyang paalisin sa pwesto? Para san pa ba ang pagpapakapagod na ito? Malamang sa malamang yun din ang tingin ng karamihan sa mga taong nakakasalubog namin.

“Ano ba yan pampabigat lang ng traffic!”

Nang ang isang bulaklak sa kamay ng madre ay iniabot sa sundalong nakaupo sa tangkeng pandigma, naisalarawan ko ang EDSA Revolution I. Nauunawaan ko pa ang mga pagpupimiglas noong reheming Marcos, humigit sa 20 taong naging matindi ang pang-aabuso sa karapatang pantao. Sa mahigit 75,000 kataong naiulat na nakaranas ng pang-aabuso, torture, rape, namatay, at nadesap (nawala). Sa pagmamanipula ng midya, mapaTV, dyaryo, at radyo. Sa pagtatali sa leeg na parang aso sa ating Sandatahang Lakas.

Ngunit ngayon? Hindi na ganoon katindi ang mga paghihirap na dinaranas ng mga Pilipino. Nasa isip ko na lang, sadyang hindi lang kaya makontento ang mga tao. Hanap ng hanap ng butas, gusto ganto, gusto ganyan, pero kahit ano namang  gawin ng isang nanunungkulan mali pa din sa marami. Nakakapagod, nakakatuliling, di matapos tapos na pag-iingay sa paulit-ulit na sigaw. Wala na bang bago?

Tumigil muna ang paglalakad, nagkabuhol buhol ata ang trapiko. Binigay ko muna ang dulo ng tela kay ateng “Iskolar ng Bayang, ngayon ay lumalaban!”, nakakauhaw, bibili lang ako ng tubig. Lumapit ako isang matandang mamang nagpupunas ng pawis sa may sidewalk, na may bitbit ng styrofoam na nababalutan ng packaging tape.

“Pabili nga po ng tubig. Magkano po?”

Tinitigan ako ni manong. Mapusyaw na titig, kitang kita mo sa mga mata ang pagod niya. Sabay bigla siyang ngumiti, kasabay din ng pagngiti ng mga wrinkles niya sa noo.

“Sampu. Kasama ka ba nila?”, tanong ng mama.

Tumango ako, at ngumiti pabalik.

“Mukhang tiba tiba po tayo ngayon, ano kuya?” pabirong tanong ko sa kanya.

“Ay oo, neng pinagpapawisan na nga ere.”

Iniabot ko sa kanya ang sampung Rizal at umupo sa may tabi niya.

“Alam mo neng, sa sobrang dalas ng mga pagrarally dito at sa sobrang tanda ko na, kilalang kilala ko na mga suki ng pagrarally. Pang-ilang sabak mo na to sa rally?” panimula ng usapan ni manong.

First time po, nagcocover po ako para sa school pub po namin.”

“Manunulat ka? Ay ito nga oh, may nag-abot sakin ng dyaryo kanina. Tapos ko ng basahin yung front page,” sabay iniabot sa akin ang dyaryo.

UPLB Perspective. Natawa ako kasi bukod sa header, graphics lang ang nasa front page.

“Kuya naman, dyan ako nagsusulat eh. Ito po pangalan ko, kaso wala po akong sinulat sa issue na yan. Hahaha”

Nagbiruan kami ni manong, hanggang sa ikwento niya sakin ang buhay niya, mula nung sa Batangas pa sila nakatira, hanggang sa paglipat nila isang yerong bahay sa Tondo. Ang dami niyang kwinento, pati nga ang nakakainis na asong madalas tumae sa tarangkahan ng bahay nila, na ang pangalan daw ay “Bimby”.

Naikwento nya din sakin, ang naging karanasan niya noong Martial Law. Pebrero 1971, Diliman Commune.

“Nagtatrabaho ako nun sa isang bakery na nagmamahagi ng pandesal tuwing umaga sa mga nakabarikadang estudyante ng UP Diliman noon. Habang namamahagi kami noong ng pandesal, kitang kita ko ang mga sundalong nakapaligid sa unibersidad, may mga helicopter pa! Tapos yung mga estudyante aba, may mga metal yung sa LPG ba yun, pinapantapon nila sa mga napasok na militar. Pero ang pinakamalala talaga ineng, ng magpapaputok ang mga sundalo at magpa-ulan  ng bala doon, madaming natamaan, at may isang binata ineng! Grabe kitang kita ko ang pagdaloy ng dugo, neng pati yung pagkatumba niya. Grabe talaga ng panahong iyon, at alam ko magpasahanggang ngayon may mga nakararanas pa din ng mga panlulupig, kaya nga’t taun-taon kayo nandito di ba? Ay sila pala.”

Muntik na ako masamid habang umiinom ng tubig. Narinig ko na nga ang Diliman Commune, ngunit unang beses pa lamang ako nakakilala ng taong nandun mismo ng mga panahong iyon. Kitang kita ang gimbal sa mukha ni manong habang ikwenekwento niya ang mga pangyayari, at ang bawat salitang kanyang binabanggit ay tila kahapon lamang nangyari ang lahat.

47-dilcom

         Ika 1-9 ng Pebrero, 1971 – Diliman Commune, Unibersidad ng Pilipinas Diliman         (Larawan ni Steve Santos, Philippine Collegian Photographer 1970-1971)

Dun niya daw mas naunawaan ang kahalagahan ng pag-aalsa. Kaya’t ng manawagan ng EDSA Revolution, walang ng patumpi-tumpik pumunta  siya sa kalsada na ang tanging armas ay rosaryo. At di ko malilimutan ng ibahagi niya sakin ang pagtingin niya sa pagrarally, sa taun-taong mobilisasyon sa tuwing anibersaryo ng EDSA Revolution.

“Alam mo ayaw ko sa mga rallyistang panay sabing, kami ang boses ng maliliit! Para bang wala kaming sariling boses. Meron pero mahina, kaya nga may mga ganto eh. Ito’y parang lang isang palakang kabkab, kapag gabi. Alam no naman yun di ba? Bullfrog? Di ba yung isang pakokak-kokak o pakabkabkabkab ng isang palakang kabkab ay mahina, pero kapag ayan na, nagsama-sama na sila iritang irita ka na, ayaw ka ng patulugin. Kokak kokak, kabkab kabkab. Nakow lalo na kapag tag-ulan, di ba ang iingay? Nakakaasiwa pero rinig na rinig mo at ngayon ramdam na ramdam mo na ang presensya ng palakang kabkab kumakalabukab, kaka-kalabukab pa lamang, kumakalabukab na naman sa iyong malawak na bukirin.”

“Ang galing niyo po magtongue twister manong,” pabirong pagpuri ko sa kanya.

Napatingin ako kay ateng “Iskolar ng Bayan ngayon ay lumalaban!”, kasabay ng paglagok ko sa pangalawang bote ng tubig na binili ko kay manong. Biglang nasagi din ang tingin ni ateng “Iskolar ng Bayan ngayon ay lumalaban!” sa akin. Nagkatitigan kami ng mga 3 segundo.

Sparks

Nakaramdam ako ng nginig sa aking buong katawan, hindi sa panromansang dahilan, kundi dahil sa kahihiyan. Bumili muli ako ng isa pang bote ng tubig. Grabe din tong tubig ni manong di lang pamawi ng uhaw na lalamunan, kundi pati ng tuyong isipan.

“Manong mauna na po ako. Salamat po.”

“Sige, Ineng parang uusad na ata ang mga palakang kabkab kumakalabukab…”

“…Na nagkakabalakubak na dahil sa init araw. Ano nga po pala pangalan niyo?” dagdag at tanong ko sa kanya.

“Ruben, in short Pogi.”

At ngayon, isang taon na ng makilala ko si Mang Pogi. [P]

PARALLAX: Iba’t ibang pagtingin at pananaw sa org recognition policies

NI PAUL CARSON

Nasubukan mo na bang ipikit at idilat ang isa sa mga mata mo habang nakatingin sa isang poste o daliri? Napansin mo na siguro ang kaibahan ng lunan ng isang bagay na nasa iyong pokus habang pinapalit-palit mo ang dilat mong mata.

Ito ang parallax; isang pagkakaiba sa lugar ng isang bagay na tinitignan sa dalawang magkaibang pananaw, na ating ilalagay sa perspektiba ng napakamatunog na bagong mga org recognition policies.

Una: dilat na dalawang mata
Kamakailan lamang ay naglabas ang Office of Student Affairs sa pamamagitan ng Student Organizations and Activities Division (OSA-SOAD) ng isang burador ng bagong mga polisiya sa pagpapakilala ng mga samahan ng mga estudyante sa pamantasan.

Inilabas noong Leadership Training Seminar (LTS) noong Hunyo, naglaman ang burador na ito ng mga panibagong mga kondisyon upang maging recognized ang isang samahan – kasama na rito ang pinakakontrobersyal na point system para sa mga ginaganap na mga pagdiriwang o gawain ng mga organisasyon. Kasama na rin dito ang ilan sa mga aniya’y pagsasatupad ng RA 8049 o ang Anti-Hazing Law, tulad ng pagpapaigsi sa tatlong araw ng mga proseso upang maging kasapi sa isang organisasyon. Dagdag pa nito ang pagpapalagay ng iba’t ibang mga financial reports at pahintulot upang mairaos ang mga gagawing mga pagdiriwang ng mga ito. Continue reading

Slice of lies: unmasking the pig-faced corruption of patronage politics

BY JOHN PAUL OMAC

The face of corruption evolves from time to time. Now, it takes the form of a pig.

Public officials once again found themselves in the limelight of controversy as the issue of misused public funds under the Priority Development Assistance Fund (PDAF) was unveiled to the public recently. The scam mainly involves the discretionary lump-sum funds granted to Senators and Representative to fund certain “development projects” which are mostly mere show-offs to deceive the public.

Dubbed as a “grand conspiracy to steal taxpayers’ money”, the Pork-barrel scam characterizes the current face of the public’s perennial nemesis—tainted with the connotations of its metaphorical greases. And with alleged trillions of pesos worth of public funds involved, it is no wonder where the citizens have been drawing their rage from lately.
Continue reading

MUMBLINGS | Hawlang salamin

NI PAULIN REYES

Pansinin ninyo ang loob ng mga air-conditioned bus na bumabiyahe ngayon- walang bukasan at natatakpan ng mga kurtina ang mga bintana nito. Sa loob ay may isa o minsan ay mas maraming tv sets kung saan pwede kang manuod ng mga piniratang pelikula ng libre. Liban pa dito, mayroon ring free wifi kaya pwedeng-pwedeng mag-Facebook o Twitter sa mga high-tech na gadgets habang hinihintay mong makarating ka sa iyong pupuntahan. Masarap ring matulog dahil malamig sa loob. Isa ako sa mga estudyanteng lingguhan sumasakay ng bus dahil malayo ang bahay namin sa Los Baños. At sa tuwing bibiyahe ako, mas gusto kong nakakasakay sa mga airconditioned na bus dahil mas komportable kung ikukumpara mo sa mga lumang bus- hindi mo malalanghap ang usok ng mga sasakyan dahil hindi mo kailangang magbukas ng bintana para lang mahanginan. Minsan ay maganda rin ang ipinapalabas na pelikula at nakakatuwang manuod habang nasa biyahe. Continue reading

HODGEPODGE | ‘Kume’

NI PAUL CARSON

“Hindi na goberyno ang nagpapasweldo sa amin,” wika ng matandang babaeng naka-uniporme. Kauuwi lang niya galing sa trabaho; buong araw siyang nag-aayos ng mga papeles sa isang land transportation authority.

Araw-araw niyang nababasa ang balitang aakuin na umano ng isang kumpanya ang pamamahala sa kanilang opisina. Nagsimula na nga ito nang ang kumpanya na ang naglalabas ng sweldo sa kanila. Bukas, parating na ang kinontrata nito para ayusin ang layout ng opisina; may mga bagong trabahador.

Subalit bukas, makikita rin niyang wala namang uupo sa mga bagong cubicle. Madaragdagan ng sampu ang nasa listahan ng mga empleyado, at pareho silang P15,000 kada buwan ang sahod. Nangyari na ‘to dati, nang halos isang buong silid ang inilaan sa mga bagong empleyado, ngunit wala rin namang nag-oopisina dito. Ang nakapagtataka, may attendance record sila; walang liban, at puro overtime. Continue reading

UNDER SCRUTINY | Yet another budget cut

NI JOHN MOSES CHUA

Several months after Kristel Tejada’s death, another financially hassling registration phase in the university is commenced. Every bit of money handed down to the lady in the cashier’s office, is a connaissance of what she experienced during her last months. Maybe one would ask: how expensive is UP education?

The UP administration might say that UP’s tuition scheme increased, but is still in accordance with the students’ general financial position. Besides, the Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) and Student Loan Board (SLB) exist to financially support students falling in the lowest brackets. STFAP serves a tuition scheme different for every economic class a student is in; the poorer or the richer the student is, the lower or higher his tuition is, respectively. SLB, on the other hand, is the loan program a student may apply for if one’s tuition has been too large, that one is not able to pay it. Continue reading

KUWENTONG FRESHIE | After sunset

NI TONI KRIZIA VIVARES

The sun shone at the eastern horizon like all the other mornings. It was my first day in UP. Papa woke up early to fix a breakfast for his darling princess, who’ll in a while be called Iskolar ng Bayan. Going to UP meant taking a number of roads, roads that my father fears. So at breakfast, under fork scraping against plate, he reminded me to survive the shake. He told me that trouble comes once we are not sure anymore of where we stand and whom to stand for.

I didn’t understand him, until I was there. Continue reading