Tungo sa multisektoral na pagtingin sa isyung remote learning

Mga salita nina Sam Delis at EJ Lasanas

Ang artikulong ito ay mga sipi mula sa panayam ni Sam Delis kay Prof. Laurence Marvin Castillo ng All UP Academic Employees Union – Los Baños.

Upang makapagsumite ng mga grado ang mga guro sa itinakdang deadline nito noong ika-23 ng Hunyo, hindi inaprubahan ni UPLB Chancellor Jose Camacho, Jr. ang panawagan ng UPLB University Student Council (USC) na i-extend ang deadline ng course requirements ng mga mag-aaral hanggang ika-17 ng Hunyo.

Bago ihain ang panawagan sa administrasyon, binanggit ni USC Chairperson Gean Celestial sa panayam sa Perspective na nauna na silang nakipagkasundo sa All UP Academic Employees Union – Los Baños (AUPAEU – LB).

Binigyang-linaw din ni Celestial na ang panawagan ay buhat ng mga suliraning dinaranas ng mga mag-aaral kaugnay ng Internet connection. Karamihan din sa mga estudyante ay nagboluntaryo para mangampanya sa nakaraang pambansang halalan (BASAHIN: Nagkakaisang daing sa lumalalang sitwasyon ng online learning).

Dagdag pa ni Celestial, nasa 56 na mag-aaral ng UPLB ang naapektuhan ng phreatic eruption ng Mt. Bulusan noong ika-5 ng Hunyo.

Maliban sa mga mag-aaral, ramdam din ng mga guro ang hirap sa gitna ng remote learning. Sa panayam ng Perspective sa ilang mga guro noong nakaraang Pebrero, idinaing din nila ang mga isyu sa Internet connection at paninibago sa pagtuturo sa ilalim ng remote learning setup (BASAHIN: UPLB students, faculty confront persisting challenges 2 years into remote learning).

Dagdag pa nila, mahirap din umanong makabuo ng malalim na pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral dahil sa mga limitasyon ng kasalukuyang setup.

Upang mas bigyang-linaw pa ang karanasan ng mga guro sa kasalukuyang semestre at sa kalakhan ng online learning, nakapanayam ng Perspective si Prof. Laurence Marvin Castillo, vice-president for faculty ng AUPAEU – LB.


Kumusta po ang inyong kalagayan bilang isang faculty member sa katatapos lamang na semestre? 

We have encountered a lot of political upheaval. Of course, we are familiar with what happened with the campaign, and many students participated in the campaigns. May mga faculty members din siyempre na very invested from a distance kasi we understand we cannot really engage in campaigning (…) And then after the elections, siyempre, bahagi din niyan yung demoralization na naranasan ng mga estudyante, and we are very familiar with this feeling. And we, of course, are not alien to that kind of feeling

Nakiisa din ang unyon sa ganitong klase ng solidarity na magkaroon ng parang pagre-relax ng requirements –’yung panawagan ng Office of Student Regent na itigil ‘yung mga gawain after the elections. Sa ngayon ay gipit syempre [ang mga faculty members] dahil sa ganitong klase ng mga kalagayan. Usually naman kasi sa pagtuturo, laging nararanasan ng mga guro ‘yung pinakahuling bahagi ng semester in terms of the torment, the toil, ‘yung work that comes with the checking, ‘yung mga last-minute na paghahabol ng mga estudyante sa kanilang academic standing – ito ‘yung kasalukuyang nararanasan namin. Nasa Check Republic kami ngayon, and of course we are expected to turn in our grades by June 23. Dito sa Department of Humanities, makikita mo talagang busy ang mga tao sa paghahabol ng mga checkables at syempre kaakibat niyan ‘yung pagpapakita ng standing sa mga estudyante. So it’s really practically a very difficult time for faculty members at this point.

Ano po ang inyong general assessment sa conduct ng 2nd semester?

Napakaraming mga pinagdaanan ng semester na ito, and the foremost concern about that ay ‘yung mga disasters na naranasan ng mga estudyante, kagaya ng Typhoon Odette at the beginning of the semester, at ngayon ‘yung sa Sorsogon din, may isyu din ng volcanic eruption, tapos ‘yung elections pa. So it was really, very difficult for us in terms of how we [will] assess the semester. Tingin ko, ito ‘yung karanasan ng maraming guro ngayon e, hindi lang guro siyempre lahat ng sektor–how we would navigate ‘yung tension sa pagitan ng existing schedule at pagiging humane ng university. I would say that hindi talaga completely masa-satisfy lahat ng mga nangyari kasi ‘yung isyu ng grades deadline ay isang multisectoral na isyu. I don’t think that faculty members are lacking sympathy sa mga nangyayari kasi, individually, ang mga faculty members ay nagbibigay ng mga considerations [at] naga-adjust ng kani-kanilang mga kalendaryo, although we understand that we are all constrained by all of these events na external sa university operations. It’s really a very difficult balancing act for all the sectors involved and it’s more crucial at the same time dahil mayroon tayong malakihang elections. I think ito talaga ‘yung nagpapaiba ng semester na ito kumpara sa mga nakaraang semesters. May isa kasing malaking political upheaval, and that makes this semester distinct from the previous ones.


Sa unang dalawang linggo ng kasalukuyang semestre, mula Pebrero 8 hanggang Pebrero 18, idineklara ni Chancellor Camacho sa isang memorandum na magkakaroon ng easing period ang UPLB. Sa nasabing panahon, ipinagbawal ang pagkakaroon ng synchronous at asynchronous sessions at pagkakaroon ng requirements. Ito ay upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng constituents ng unibersidad sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 at pananalasa ng Bagyong Odette (BASAHIN: UPLB to ‘ease’ into second sem as constituents call for recovery break).

Sa hanay ng kaguruan, ipinagbawal din sa mga academic unit heads ang pagkakaroon ng mga pulong, gawain, at pagpapadala ng email sa mga teaching-staff. Hinikayat din ang mga estudyante na iwasan ang pagpapadala ng mga email sa mga teaching-staff sa nasabing panahon. Kaugnay ng easing period, inanusyo rin ang pagbago ng petsa ng pagtatapos ng ikalawang semestre mula Mayo 25 patungong Hunyo 9 sa academic calendar ng UPLB.


Sa konteksto po ng mga gawain ng faculty ngayon, kailangan niyo rin po ba ng extension for the submission of grades?

In all fairness kasi, may coordination naman talaga ang USC [University Student Council] at AUPAEU, and I think ito dapat ‘yung panatilihin ano – ‘yung multisectoral conversation [at] ‘yung multisectoral coordination – in terms of issues related on how to handle the semester kasi it’s an issue that affects students and faculty members. Noong nag-broach ng idea na magre-request ng extension [for requirements deadline] ang USC, naipaalam naman ito sa AUPAEU. And of course, understandably, maraming kasapi ng unyon ang medyo careful sa ganitong klase ng call. Kami naman, open kami for the possibility na i-extend [ang deadline of requirements] pero dapat ay may kalakip na extension din for grades [submission]. We are very careful in terms of responding to the call [for extending the deadline of requirements]. Sa end namin, meron din kaming panawagan kaugnay ng pagpapagaan ng aming mga workload

Ano po ang masasabi niyo sa hindi pag-apruba ni Chancellor Camacho sa request ng USC?

In the absence of the move to adjust the deadline, it’s very sensible actually, kasi parang we also have to devote an ample amount of time [for us]. Pero may clause naman si Chancellor Camacho [sa memo], ‘di ba, na para dun sa mga affected sa volcanic eruption sa Sorsogon – we also have to make specific adjustments for those students. It’s also something na we encourage sa members ng mga union, [na] while hindi nagkaroon ng adjustment [sa memo], tayo [faculty members] mismo individually ay mag-provide ng necessary consideration. Kasi kahit ‘di naman na-approve ni Chancellor Camacho [ang request], may recognition ang ating mga kaguruan sa pangangailangan na mas maging considerate sa mga estudyante in the face of the various issues. While the administration understands the need to be more cautious about addressing these concerns, we also have to take into consideration na ‘yung ganitong klaseng administrative concerns ay hindi dapat magsara ng posibilidad sa tuloy-tuloy na koordinasyon sa hanay ng mga guro at estudyante. Kaya nga importante talaga yung komunikasyon para masiguro na may dayalogo for learning and survival. Kasi we’re still in survival mode, [thus] it is necessary to maintain coordination.

Bilang faculty member, ano po ‘yung mga constraints sa panig niyo na pumipigil sa inyong magbigay ng extension sa mga estudyante kung paminsan?

While we recognize na napakaraming mga problema ng mga students concerning mental health issues, or kaso ng family members na may COVID, hindi naman din kami immune sa ganoong klaseng mga concerns, e. Mayroon ding mga faculty members na may mental health issues and we also have faculty members who have to grapple with the very problematic technical concerns such as Internet connection. In many cases, we also have faculty members who also have to respond to the calls of parenthood. We also have to maintain a kind of convenient set-up for us, given na we understand where the students are coming from, but we also have to take into account the different challenges that we have to respond to. Kailangan ‘yung panawagan ay multisectoral din yung consideration.

Sa pananaw po ninyo bilang isang guro at vice-president for faculty ng All UP Academic Employees Union – LB, ano po sa tingin ninyo ang dapat na ipanawagan sa admin para matugunan ang sentiments ng mga guro at mga mag-aaral?

Well, siyempre sa mga guro, nararamdaman natin ang kanilang mga sentimyento at mga pagtatanong na nilinawin ‘yung plano hinggil sa pagbubukas ng unibersidad. Until now, nag-aantabay pa rin tayo ng mga updates kung ano ang magiging footing natin for the next few semesters. I think ‘yun ang panawagan talaga, ang Ligtas na Balik Eskwela. Pero siyempre kaakibat niyan ‘yung paglilinaw ng mga kondisyon na kinakailangang ilapag ng administrasyon upang tiyakin na ‘yung pagbabalik-eskwela ay magiging ligtas. Sa hanay ng mga staff at kaguruan ay ‘yung tuloy-tuloy na suporta sa usaping teknikal na aspeto gaya ng pag-secure ng safety sa paggamit ng mga opisina at pagtitiyak ng maayos na Internet connection para rin maging efficient ang paggampan sa ating mga tungkulin. I think isa itong issue na hindi nakakulong sa university – ‘yung pagtitiyak na mayroong maayos na healthcare situation para sa ating mga kawani. Alam nating napakabigat na implikasyon ng pagbabayad ng premium ng PhilHealth na nadagdagan ‘no, pero siyempre, nandiyan ‘yung matinding demand na nakikita o nararamdaman natin sa kinakaltas sa ating sahod. Ang isang comprehensive na healthcare system ay isa sa mga pangangailangan ng ating mga kawani – mga guro, administrative staff, at REPS. 

Bukod sa academic load, mayroon pa po ba kayong ibang workload? Sapat po ba ang compensation sa inyong mga faculty members?

Mahalagang banggitin din na sa hanay ng mga service units, napakabigat ng teaching load. Just to illustrate, sa amin sa Department of Humanities, kalakhan ng function ng unit ay sa pagtuturo sa mga general education courses na kinukuha ng lahat ng mga estudyante from different colleges. So mabigat ‘yung teaching load. Mayroon din kaming gampanin na magpatuloy sa pananaliksik, mayroon din kaming mandate sa extension sa paggampan ng mga committee work, public service, at advocacy. Ito ay ilan sa mga tinutugunan ng sektor ng faculty. Kailangan nating kilalanin na overworked [ang mga nasa hanay ng faculty]. Tapos nakakaalarma rin siguro sa bahagi ng unyon ‘yung paglaganap ng casualization at contractualization dahil matindi talaga ‘yung demand sa teaching load kaya kinakailangan mag-hire ng maraming personnel. Pero unfortunately, ‘yung mga naha-hire na personnel ay walang item

Napakalaki ng problema ng casualization at contractualization sa UP kasi ‘yung ilang mga guro na kasama nating naha-hassle ngayon ay walang mga item at hindi nakakatanggap ng benepisyo na tinatamasa ng mga regular na empleyado. Sila talaga ay gumagampan ng mabibigat na tungkulin [at] crucial na instructional duty na hindi well-compensated by virtue of the fact na wala silang item at hindi sila nakakatanggap ng benefits ng isang regular UP employee. Kailangan i-put into picture na the broader issue of employment concerns ‘yung karapatan sa trabaho,’ yung sahod, [at] ‘yung maging kasapi ng unyon. Ito yung ilan sa concerns na hinaharap ng ating sektor at compounded [pa ito] by the usual problems that we encounter sa remote learning.


Noong ika-27 ng Pebrero ngayong taon, ibinahagi ni AUPAEU – LB President Prof. Cris Lanzaderas sa hiwalay na panayam sa Perspective ang pagkaantala ng ilang benepisyong natatanggap ng mga guro at Research, Extension, and Professional Staff (REPS).

Ito ay kaugnay ng Collective Negotiation Agreement (CNA) sa pagitan ng unyon at ng administrasyon ng UP System (BASAHIN: UP acad union discloses details on delayed benefits, unsettled demands of faculty, REPS).

Idinaing din ng unyon ang kakulangan ng fringe benefits, partikular ang Annual Incentive Grant, na inilabas sa pamamagitan ng Memorandum No. PDLC 22-02

Wala rin umanong pagkakaiba sa mga panawagan ng mga guro, REPS, at kawani noong nakaraang taon sa ngayon. Ilan sa mga ito ay ang mas malawak na probisyon sa Enhanced Hospitalization Programme (eHOPE), pagbubukas ng items para sa mga REPS, at pagbasura sa kontraktwalisasyon.


Tingin niyo po ba ay dapat nang maging isang University Policy ang consideration sa sitwasyon ng estudyante at kaguruan, pati na rin ang flexibility sa schedule, deadlines, at academic calendar?

I think maganda siyang pag-usapan. Naniniwala akong kailangang mas maging makatao ng university sa lahat ng mga sektor na kabahagi nito. I think yung pagtatalaga ng malinaw na mga patakaran sa academic ease ay isang pangangailangan. It’s the COVID situation that compelled us to really consider all of these policy changes. Of course, doon pa rin ako magba-bank sa pangangailangan na ‘yung drafting sa ganitong klaseng patakaran ng academic ease, bilang isang university-wide na move, ay it should be a multisectoral effort para ma-ensure na nobody gets left behind. I think that’s the very important principle dito, na walang iwanan. “Dapat All”, ika nga ng aming unyon. It’s a very welcome proposal and possibility but we must ensure that all the voices of stakeholders and UP constituents should be heard. Dapat bigyan ng venue at espasyo sa pagfo-formulate ng academic ease bilang isang policy.


Mula sa panayam na ito, makikita natin ang kahalagahan na marinig ang boses at panawagan ng hanay ng kaguruan nang sa gayon ay mas mapaigting ang pagkakaisa ng iba’t ibang sektor sa pamantasan. Sa usapin ng academic ease at leniency, madalas nating napakikinggan ang panawagan ng mga estudyante, ngunit tila nababaon natin sa limot na ang unibersidad ay binubuo ng iba’t ibang mga sektor. 

Kasabay ng mga daing ng mga estudyante ay ang kaakibat na dagok sa mga faculty members ng pamantasan. Sa bawat panawagan ng extension, pinapasan ng mga kaguruan ang tensyon. Patunay na isang na itong sistematikong problema na mas lalo pang pinabigat ng kasalukuyang remote learning. Ilan sa mga dagok ng remote learning ay ang pagsiksik ng academic calendar, tambak na mga workload, at iba pang mga panlabas na salik–kung saan nararanasan ng lahat maging ng mga guro, estudyante at maging kawani.

Bilang mga pangunahing sektor ng unibersidad, ang mga guro at mga estudyante ang dapat maging magkatuwang sa pagtamasa ng isang dekalidad na edukasyon na makikinabang ang lahat. Ngunit sa ganitong sistema na nananatiling walang kasiguraduhan sa lahat ng aspeto, mananatiling may dehado at may maiiwan. Dalawang taon nang pinapaigting ang panawagan para sa Ligtas na Balik Eskwela, ngunit nananatili pa ring walang tiyak na hakbang at solusyon para rito. Gaano pa katagal ang dapat hintayin? Gaano karami pa ang maiiwan? Sobra na ang dalawang taong paghihirap ng mga sektor na bahagi ng unibersidad. [P]

Ang artikulong ito ay mga sipi mula sa panayam ni Sam Delis kay Prof. Laurence Marvin Castillo ng All UP Academic Employees Union – LB.

Larawan mula sa All UP Academic Employees Union – LB

Paglalapat ni Mich Monteron