Sunod-sunod na pagkilos laban sa pork barrel, ikinasa ng mga mamamayan at mga mag-aaral

NI TONI KRIZIA VIVARES

Sunod-sunod na kilos protesta ang pinasinayaan ng alyansang Unibersidad ng Pilipinas Laban sa Baboy (UPLB) at progresibong partylist ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (BAYAN-ST) hinggil sa panawagang ibasura ang pork barrel.

Kasabay ng Million People March sa Luneta at ng Araw ng mga Bayani, isang kilos protesta ang isinagawa sa Crossing Calamba noong Agosto 26.

Inirehistro ng UPLB ang nagkakaisang tinig laban sa Pork Barrel noong Setyembre 3. Upang hikayatin ang mga mag-aaral, guro at empleyado, ginamit ang grupo ang isang dance craze mula sa UP Repertory Company at itinangahal ito sa iba’t ibang gusali sa loob ng UPLB campus. Nagkaroon din ng maikling pag-aaral hinggil sa Priority Development Assitance Fund (PDAF) at programa sa Carabao Park.
Setyembre 9- Kasama ng iba pang mga sektor, lumuwas ang mga estudyante ng UPLB at nagprotesta sa harapan ng kongreso at senado, na umabot sa isang protesta sa Mendiola.

Bilang pakikilahok sa ‘EDSA Tayo’ at kasabay ng mga pagkilos sa buong UP system, isang protest action at candle-lighting ceremony ang muling pinasinayaan sa Carabao Park noong Setyembre 11.

Pagdating ng Setyembre 13, kasama ang Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog chapter (Bayan-ST), ipinagpatuloy ng mga mamamayan ang mga protesta sa Luneta.
Tumugon ang mga estudyante sa ‘What the Pork!?’ Forum na isinagawa sa DL Umali auditorium noong ika-16 ng Setyembre.

Sa huling budget hearing session sa kongreso, lumahok ang grupo sa nationwide protest action. Isang programa ang muling ikinasa sa Carabao Park noong Setyembre 19.

Pagsapit ng Setyembre 21, dumalo ang grupo sa ika-apat na malawakang kilos protestang inorganisa mula noong million march. Bahagi ito ng paggunita sa Martial Law.

Sa pagputok ng isyu ng ma-anomalyang paggamit ng PDAF ng mga kongresista, mainit ding tinutukan ng mga mamamayan ang pork barrel ni Pangulong Noynoy Aquino. Tinuligsa ang presidential pork na nagkakahalagang 1.43-trilyong piso. Tinatayang 0.02% lamang nito ang 25-bilyong pisong pork barrel ng mga kongresista.

Pinapanawagan din ng mga mamamayan ang pag-rechannel ng mga naturang pondo sa serbisyong panlipunan katulad ng edukasyon, kalusugan, trasportasyon, at pabahay.

Isa si Gilla Velasquez, kalihim ng isang chapter ng Anakpawis partylist, sa dumalo sa pinaka-unang protesta sa Calamba. Kabilang si Velasquez sa mga biktima ng demolisyon noong Abril 2011.

“Kami yung mga binaha kamakailan lamang. Marami sa aming mga kasamahan ang nawalan ng bahay. Bikitima kami ng demolisyon. Wala silang binigay sa amin na relocation. Kaya hanggang ngayon ay pinaglalaban pa rin naming ang aming karapatan sa paninirahan,” ani Velasquez.

Ayon naman kay Ronalyn Franca, Regional Coordinator ng Kabataan Partylist-Southern Tagalog (KPL-ST) at pangunahing tagapangasiwa ng alyansang Unibesidad ng Pilipnas Laban sa Baboy, kaalinsabay ng korupsyon sa pamahalaan ay sinisiil rin ng patuloy na komersyalisasyon ang mga mamamayan.

“Kung mababalitaan ninyo yung pagtataas ng presyo ng MRT at LRT nitong nakaraan. Yung milyon-milyong yun, kumbaga ipapataw yun sa mga mamamayan. E basic [service] yan, transportation. Yung idinagdag na toll, hindi yan para mapaganda yung daan, kundi, dun sa nagmamay-ari ng SLEX. Dahil ang SLEX ay hindi na sa gobyerno,” ani Franca.

Pinanindigan rin ni Franca na tuloy-tuloy ang kanilang pwersa sa pag oorganisa ng mga kilos protesta upang makapanghikayat pa ng suporta at patuloy na mapalaganap ang iisang layunin. Hinihikayat din niya ang lahat na wag ipagsawalang-bahala ang isyu.

“Para duon sa mg kumikilos at duon sa mga may alam ng isyu, yung primary task ay magpaliwanag. Hindi dahil alam ko ‘to at ayaw mo ay iiwan kita, Tungkulin ko na paliwanagan ka… sa pinaka simpleng paraan,” sabi ni Franca. [P]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s